Malaki ang naitutulong ng pagrerecycle ng mga basura sa ating kalikasan . Nakakatulong ito sa pag iwas sa mga masasamang dulot ng mga basura. Nakakabawas ito ng mga kalat at higit sa lahat, nakakagawa ka pa ng mga bagay na sadyang kapakipakinabang sa bawat taong gumagamit ng mga ito. Dito, pinapakita ko ang mga bagay na nirecycled na nagresulta sa napakagandang produkto . Sana maenjoy niyo ang pagtitingin sa mga bagong damit na aking nasaliksik na ginawa mula sa mga bagay na patapon na. :))
Makikita natin dito na ito'y gawa sa mga wallet at kung anu ano pa . Kaya masasabi din natin na ito'y gawa sa mga bagay na patapon na :))
Dito naman sa litratong ito, makikita natin na ang damit na ito ay gawa sa mga plastic . Ito ay ginawa ni Margarita Regala na nag aaral sa LaSalle College International.
Sa litratong ito, ang gown na suot ng modelo ay gawa sa balat ng mga produktong gamit na. Napakaganda ng pagkakagawa kahit ito'y gawa lamang sa mga bagay na patapon na ='))
Sa litratong ito, mapapansin natin na ang damit ay gawa sa tinuping mga dyaryo. Yung ribbbon sa may bandang harap ay gawa naman sa isang garbage bag . Dito, makikita talaga ang pagkamalikhain ng mga tao sa mundo. :))
Itong damit na ito ay gawa sa mga dyaryo ulit . At ito ay isa sa mga nagustuhan kong recycled na damit . Napakaganda ng pagkakagawa nito . Nakakahanga ang taong gumawa nito sapagkat gamit ang mga bagay na patapon na, nakagawa pa siya ng napakagandang damit.
Nakita natin sa mga litrato ang mga bagay na patapon na, na ginawang mga damit na sadyang napakaganda . At parang dumadami na ang mga taong gumagawa ng mga magagandang damit mula sa mga bagay na patapon na bilang isang negosyo . Nakakatulong na sila sa kalikasan, nakakalikom pa sila ng pera na pwedeng ipang gastos sa pang araw araw nilang pamumuhay :)) Madami ring mga babae ang magugustuhan ang mga damit na yan katulad Ko ;) Kaya sana, maengganyo din tayong magREDUCE, magREUSE at magRECYCLE :)
No comments:
Post a Comment